Filipina Weightlifter na si Elreen Ando, muntikang nasungkit ang Gintong Medalya sa Sea Games

123

Muntikan nang makuha ni Filipina Athlete Elreen Ann Ando ang Gold Medal sa Women’s 64kg  event sa 30th Souteast Asian Games.

Ito’y matapos ideklarang ‘no lift’ ang kanyang huling Clean Jerk attempt nang maubos ang oras.


Naubusan ng oras si Ando dahil sa kalituhan sa order of performance.

Mauuna sana ang Vietnam at nag-avail ng one-minute sa two-minute rest, subalit nakipagpalit ito ng order sa Pilipinas.

Ayon sa Team Pilipinas, inakala nila ay mayroon silang dalawang minuto para makapagpahinga subalit mayroon na lamang isang minuto si Ando mula sa natirang minuto ng Vietnam.

Naging emosyonal si Weightlifting Star Hidilyn Diaz sa pangyayari.

Sa kabila nito, mag-uuwi si Ando ng Silver Medal.

Facebook Comments

From Advertisers