Pilipinas, mahusay ang pag-handle ng COVID-19 – Secretary Duque

Ipinagmalaki ng Department of Health (DOH) na mahusay ang paghawak ng Pilipinas sa COVID-19 pandemic.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, ang Pilipinas ay nasa ika-32 pwesto na lamang pagdating sa total number ng COVID-19 cases.

“Noong October, number 18 tayo. In other words, mataas na mataas ‘yong bilang ng kaso natin. Noong dumaan ang November at December at napalakas po natin ang ating pandemic response with the help of local government units and also commending the discipline and the compliance of our citizens with our minimum public health standards kaya bumaba na po ang ranking natin,” sabi ni Duque.


Pagdating aniya sa active cases, pang-44 na ang Pilipinas sa buong mundo.

Mas malala ang active cases ng ibang bansa tulad ng Malaysia na nasa higit 51,000 cases habang aabot na sa higit 176,000 ang kaso sa Indonesia.

Sa COVID-19 cases per million population, sinabi ni Duque ang Pilipinas ay pang-134.

Pagdating naman sa COVID-19 fatalities per million, nasa pang-114 ang bansa.

Sa case fatality rate, ika-73 sa ranggo ang Pilipinas na may 2.2%.

Facebook Comments