Bumili na ang Pilipinas ng 20 milyong doses ng COVID-19 vaccine mula Russia.
Ayon sa Malacañang, nagkaroon ng telesummit o pag-uusap sa telepono sina Pangulong Rodrigo Duterte at tumagal ito ng 30-minuto.
Binigyang diin ng dalawang lider ang pagpapalakas ng vaccine production at supplies.
Pagpapaigtingin din ang kooperasyon ng Pilipinas at Russia sa paglaban sa COVID-19 pandemic.
Pinasalamatan ni Pangulong Duterte si Pres. Putin sa commitment nito na palakasin ang kooperasyon lalo na sa paglaban sa pandemya.
Bukod dito, sang-ayon din ang dalawang lider na magkaroon ng “steady progress” sa defense at security cooperation.
Palalakasin din ang ugnayan ng dalawang bansa lalo na sa sektor ng kalakalan, agrikultura at enerhiya.
Ang hakbang na ito ay bahagi ng 45th anniversary ng diplomatic relations ng Pilipinas at Russia ngayong taon.