Initial batch ng Sputnik V vaccines, darating sa bansa ngayong buwan

29

Inaasahang darating sa bansa ngayong buwan ang initial batch ng Sputnik V coronavirus vaccine ng Russia.

Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., inaasahang maisasapinal ang supply agreement para sa 20 million doses ng Sputnik V.


Aniya, natanggap na nila ang format ng supply agreement mula sa Russian Direct Investment Fund.

Ang 500,000 doses ay darating sa bansa ngayong buwan, na susundan ng dalawang milyong doses sa Mayo.

Sa Hunyo naman darating ang karagdagang apat na milyong doses at sa Hulyo ay may darating na apat na milyong dagdag doses.

Pagtitiyak ni Galvez na ang presyo ng Russian vaccine ay abot-kaya at nasa pagitan lamang ito ng $10 hanggang $12.



Hindi pa maaaring isapubliko ang eksaktong halaga ng Russian vaccine dahil sa confidentiality disclosure agreement.


Facebook Comments