
Aktibong makikilahok si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga dayalogo ng mga pinuno ng estado at pamahalaan sa United Arab Emirates.
Dumating si Pangulong Marcos sa Abu Dhabi kagabi bandang alas-11:09 nang gabi.
Ayon sa pangulo, tatalakayin sa working visit ang mga isyu sa enerhiya, tubig, pananalapi, pagkain, at kapaligiran, pati ang mga solusyong kailangan sa kasalukuyan at hinaharap.
Inaasahan ding lalalim ang ugnayan ng Pilipinas at UAE sa paglagda ng Comprehensive Economic Partnership Agreement (CEPA), na magpapalawak ng merkado ng mga produktong Pilipino sa Middle East, lalo na sa Gulf region.
Lalagdaan naman ang isang kasunduan sa defense cooperation para palakasin ang pagtutulungan ng dalawang bansa sa advanced defense technologies.
Makikinabang aniya sa mga kasunduang ito hindi lang ang mga Pilipino sa bansa kundi pati ang tinatayang 900,000 Pilipino sa UAE.










