Pilipinas, makukuha ang lahat ng bakunang maaaring ibigay ng China – Sec. Locsin

Matatanggap ng Pilipinas ang mas maraming supply ng COVID-19 vaccines mula China.

Sa kanyang Twitter post, sinabi ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., ibibigay ng China ang mas maraming supply ng bakuna sa abot ng makakaya nito sa Pilipinas.

Sinabi ni Chinese Foreign Ministry Spokesperson Zhao Lijian, ang Chinese COVID-19 vaccines ay mayroong ‘stronger appeal’ lalo na at hindi ito nangangailangan ng ultra-low temperature para sa storage at shipment.


Ang Chinese vaccines din ay mayroong good efficacy at safety data.

Nasa 14 Chinese vaccines ang nasa clinical trials.

Samantala, sinabi ng Bureau of Customs (BOC) na agad nilang ipoproseso ang paglalabas ng COVID-19 vaccines kapag dumating ang mga ito sa paliparan lalo na sa NAIA.

Facebook Comments