Pilipinas, malabong maging-COVID-19 free pagsapit ng pasko; DOH muling pag-aaralan ang anti-gen tests sa mga lokal na biyahero

Malabong maging COVID-19 free ang Pilipinas pagsapit ng Pasko.

Ito ay sa kabila ng paglikha ng bakuna laban sa COVID-19 ng mga drug manufacturer sa iba’t ibang bansa.

Ayon kay Department of Science and Technology – Philippine Council for Health Research and Development Executive Director Dr. Jaime Montoya, marami pang proseso ang pagdaraanan ng mga ginagawang bakuna.


Aniya, mas kapani-paniwala kung sasabihin na sa susunod na taon pa maidedeklara na COVID-19 free ang bansa.

Samantala, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na muling isasalang sa review ng mga eksperto ang paggamit ng anti-gen tests para sa pre-boarding requirement ng mga lokal na biyahero.

Kasunod ito ng rekomendasyon ng World Health Organization (WHO) na hindi dapat gamitin ang anti-gen tests para matukoy kung positibo sa virus ang isang local tourist.

Una nang pinayagan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang paggamit ng anti-gen testing para sa mga asymptomatic local tourist bilang alternatibo sa Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) testing.

Facebook Comments