Pilipinas, malabo raw maiuwi ang kampeonato sa 2017 Sea Games sa Malaysia

SEA Games – Malabo raw na magkampeon ang Pilipinas sa 2017 Southeast Asian Games na gaganapin sa Kuala Lumpur, Malaysia ngayong Agosto.

Sabi ni dating Philippine Olympic Committee Chairman Monico Puentevella – tiyak na ang host country na malaysia ang maghahari sa nasabing sports event.

Karamihan kasi aniya sa mga piniling sports category ng Malaysia ay kung saan maglalaro ang pinakamalalakas nilang atleta.


Tanggal sa mga event ang weightlifting kung saan malaki sana ang tiyansa ng Pilipinas na manalo dahil pambato rito si Olympic Silver Medalist Hydilyn Diaz.

Nabatid na mahigit 400 atletang Pinoy ang sasabak sa SEA Games.

Facebook Comments