Real score sa pagitan nina Joseph Marco at Ria Atayde – alamin

Manila, Philippines – Tinawanan lang ni Joseph Marco ang patuloy na pang-iintriga ng netizens sa kanila ng aktres na si Ria Atayde.

Say ng aktor – bestfriend lang daw talaga sila ni Ria at ‘one of the boys’ ang turing niya rito.

Hindi rin naman aniya sumasagi sa isip nila na magustuhan ang isa’t isa higit pa sa kanilang friendship.


Unang umugong ang tsismis na may romantic relationship ang dalawa matapos na mag-post ng sweet photo nila ni Marco si Ria.

Pero sabi ni Ria, kuya ang tingin niya kay Marco.

Naging close daw sila nang maging magbestfriend si Marco at kuya niyang si Arjo Atayde hanggang sa naging close na rin sila ng aktor.

Facebook Comments