Pilipinas, malapit na sa endemic ng COVID-19 ayon sa DOH

Naniniwala si Health Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire na malapit na ang Pilipinas sa endemic ng COVID-19.

Gayunman, sinabi ni Vergeire na nakadepende pa rin ito sa dami ng tumatalima sa panawagang magpabakuna at magpa-booster shot.

Sa ngayon aniya kasi ay nananatiling mababa ang bilang ng mga nagpapabakuna sa bansa.


Ang pagkamit aniya kasi ng endemic ay magdedepende sa kung paano makakalaban o depende sa immunity ng komunidad sa mga bagong variants na posibleng sumulpot o makapasok sa bansa.

Bunga nito, hindi pa rin aniya maaaring maging kampante ang publiko.

Facebook Comments