334K NA GADGETS AT PERA, TINANGAY NG MAGNANAKAW SA SAN JUAN, LA UNION

Tinatayang nagkakahalaga ng tatlong-daang libong piso (P334,000) ang mga gadgets at pera na tinangay ng magnanakaw sa Urbiztondo, San Juan, La Union.
Nakilala ang mga biktima na sina Christian Jay Diaz, Christita Mendoza at Miguel Santiago na parehong mga naninirahan sa lugar.
Base sa report, nagising ang mga biktima umaga ng Nobyembre 13 at nadiskubre na nawawala ang kanilang mga kagamitan na kinabibilangan ng mga laptop, cellphones, earpods, camera, cash at mga dokumento.

Nireview ng otoridad ang kuha ng CCTV sa lugar at natuklasan na 3 suspek na naka-mask at hoodie ang pumasok sa kanilang tirahan sa pamamagitan ng nagdistrungka ng kanilang bintana.
Nakikipag-ugnayan na ang otoridad sa lugar upang mahuli ang mga suspek at mabawi ang kanilang mga ninakaw.|ifmnews
Facebook Comments