Manila, Philippines – Bumuo na ng action plan ang Pilipinas katuwang ang Malaysia at Indonesia kontra terorismo.
Nagsama-sama ang tatlong bansa para mapigilan ang pagtawid sa asya ng mga terorista.
Ayon kay AFP Chief of Staff General Eduardo Año – malapit nang matalo ang islamic state sa Syria kaya posibleng lumipat ang mga ito sa Asya.
Sinabi naman ni Presidential Spokesman Ernesto Abella – personal na tumawag si Indonesian President Joko Widodo kay Pangulong Rodrigo Duterte at tiniyak ang pagsuporta nito sa Pilipinas.
Nakatakdang gawin sa Indonesia ang susunod na trilateral meeting kung saan hihimayin ang mga nabuong plan of action ng tatlong bansa.
Ayon kay Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano – kasama na pag-uusapan ang cross-checking at pagpapalawig ng mga anti-terrorism law.
Plano rin aniyang magsagawa ng specialized military at law enforcement training.
Kamakailan inilunsad ang joint military exercise ng tatlong bansa sa Sulu sea para ipakita ang pagkakaisa kontra terorismo.