Iginiit ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr. na mananatiling bukas ang Pilipinas para sa mga Russian travelers.
Pahayag niya ito kasunod ng suhestiyon na pagbawalan ang mga russian travelers na makapasok ng bansa dahil sa nagpapatuloy na giyera ng Russia at Ukraine.
Ayon kay Locsin, may tradisyon ang mga Pilipino ng magbigay ng humanitarian assistance kaya welcome ang kahit sino upang bisitahin ang Pilipinas.
Kaugnay nito, sinabi rin ng DFA na handa ang Pilipinas na tumanggap ng Ukrainian na naipit sa Russian-Ukraine war.
Kasama ang Pilipinas sa 141 na bansa na pumabor sa resolusyon ng United Nations general assembly upang kondenahin ang pananakop ng Russia sa Ukraine.
Facebook Comments