Pilipinas, mananatiling neutral sa gitna ng tensiyon sa pagitan ng Amerika, China, at Taiwan

Tiniyak ng pamahalaan na walang papanigan ang Pilipinas sa gitna ng pinangangambahang tensiyon sa pagitan ng Amerika, China, at Taiwan.

Kasunod ito ng pagbisita ni US House Speaker Nancy Pelosi sa Taiwan, na hindi nagustuhan ng China.

Ayon kay National Security Adviser Clarita Carlos, patuloy ang ating ugnayan sa magkabilang partido, alinsunod sa mandato ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na makipag-ugnayan ng “critically at constructively” sa China at US.


Malinaw rin aniya ang pahayag ng pangulo na kikilalanin ng bansa ang One China Policy dahil sa dami ng kooperasyon ng bansa at ng Beijing habang hindi rin bibitawan ng Pilipinas ang ugnayan nito sa US.

Nauna nang nanawagan ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa lahat ng partido na maging mahinahon at idaan sa diplomasya at dayalogo ang isyu.

Facebook Comments