MGA AKTIBIDAD SA 10TH CITYHOOD ANNIVERSARY NG ILAGAN, NAKALATAG NA

11
Inilatag na ang ilang nga aktibidad para sa selebrasyon ng 10th Cityhood Anniversary ng lungsod ng Ilagan.

Nauna nang inanunsyo ng City of Ilagan Chamber of Commerce ang itatayong Bancheto mula Agosto 10-20, 2022 sa Ilagan Promenade Avenue.

Dagdag pa rito ay ang “PAWrada – Fur babies parade – Pack Walk” na isasagawa sa Agosto 10, 2022 alas-4:30 ng hapon bilang pagpapakita na ang lungsod ay isang Pet-friendly City.

Isa pa sa mga aktibidad ay ang inagurasyon ng tanggapan ng YAKAPIN– ang bagong tatag na ahensiya para tugunan ang mental health ng mga mamamayang Ilagueños.

Magkakaroon din ng JLD “Sulong pa” Hip Hop Dance Contest sa Agosto 11, 2022 alas-2:00 ng hapon na isasagawa sa City of Ilagan Community Center.

Layunin ng nasabing mga aktibidad na gawing makabuluhan at masaya ang paggunita ng anibersaryo ng lungsod at bilang pagpapatatag ng turismo upang lalo pang makilala ang lungsod ng Ilagan.

Facebook Comments