Nakikinabang ang Pilipinas sa mabuting pakikipagrelasyon nito sa China.
Ito ang sinabi ng Malacañang sa harap ng agawan ng territoryo sa West Philippines Sea.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, tumutulong ang China sa Pilipinas sa pamamagitan ng iba’t ibang proyekto at development aid.
Kabilang na aniya rito ang iba’t ibang proyektong imprastraktur, relief assistance tuwing may kalamidad, at mga donasyong COVID-19 vaccines.
Sinabi ni Roque na diplomasya pa rin ang gagamitin para itaguyod ang soberensya at karapatan ng Pilipinas.
Ang isyu ng agawan sa teritoryo ay hindi dapat gamiting dahilan para masira ang bilateral cooperation ng dalawang bansa.
Facebook Comments