Pilipinas, nakapagturok na ng higit 2 milyong COVID-19 vaccines

17

Aaabot na sa higit dalawang milyong COVID-19 vaccines ang naiturok sa bansa.

Sa datos ng Department of Health (DOH), nasa 2,065,235 doses na ang nagamit.


Kabilang sa mga nakatanggap ng first dose ay 1.1 million senior citizens, persons with comorbidity na nasa 293,312 at frontline personnel sa essential sector na nasa 7,342.

Nasa 320,000 Filipino na ang nakakumpleto ng kanilang second doses kabilang ang nasa 284,065 na manggagawa mula sa frontline health services, 4,966 senior citizens at 31,555 persons with comorbidities.

Facebook Comments