Manila, Philippines – Tiniyak ng Palasyo ng Malacañang na mayroong nakahandang plano ang pamahalaan para tulungan ang mga Pilipinong nasa Guam sakaling ituloy ng North Korea ang kanilang banta na bombahin ang ilang US territory.
Matatandaan na inilabas ng North Korea News na plano nilang tugunan ang mga banta at banat ni US President Donald Trump sa pamamagitan ng pambobomba sa Guam at iba pang teritoryo ng Estados Unidos.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, mayroong Contingency plan ang pamahalaan para mabilis na tulungan ang mga pilipinong nasa Guam sakaling ituloy ng North korea ang kanilang banta.
Kaugnay niyan ay sinabi ni Abella na hindi niya tiyak kung magpapatawag ba si Pangulong Rodrigo Duterte ng National Security Council meeting para pagusapan ang lumalalang tensyon sa Korean Peninsula.
Pilipinas, may contingency plan sakaling bombahin ng North Korea ang Guam
Facebook Comments