Wala dapat ipangamba hinggil sa supply ng COVID-19 vaccines sa bansa kahit hindi pa nalalagdaan ang supply agreement sa mga manufacturers.
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, naselyuhan ng pamahalaan ang reserve supply ng COVID-19 vaccines sa ilalim ng term sheets na unang pinirmahan sa iba’t ibang drug manufacturers.
Ang supply agreement ay maisasapinal kapag binigyan ng go signal ang mga local drug regulators para sa emergency use ng mga bakuna.
Mayroong mga kondisyon na kailangang sundin bago gamitin ang mga bakuna sa bansa, kabilang na rito ang pagpasa sa Food and Drug Administration (FDA).
Ang emergency approval ng Sinovac vaccines ay inaasahang ilalabas sa lalong madaling panahon.
Ang Gamaleya at Moderna ay inaasahang magsusumite ng application sa FDA.
Sa ngayon, ang mga bakuna ng Pfizer-BioNTech at AstraZeneca pa lamang ang nabigyan ng emergency use authority ng FDA sa bansa.