Pilipinas, may export deal ng durian sa China na nagkakahalaga ng $2-B

Nakatutok ang Marcos administration sa pagpapatupad ng mga stratehiya upang matiyak ang magagandang kalidad na prutas na pang-export kabilang na ang durian na ngayon ay may export deal ang gobyerno sa China na nagkakahalaga ng $2 billion.

Sa ulat ng Department of Agriculture (DA) na pinamumunuan rin ng presidente, pinalalakas nila ngayon ang produksyon ng grade A durian sa tulong ng Bureau of Plant Industry (BPI) at ng High Value Crops Development Program (HVCDP).

Bubusisiin ng DA ang nagpapatuloy na registration of exporters, packing facility operators, at growers of durian.


Sa ulat ng DA, sa ngayon, mayroong 5 licensed exporters, 6 na licensed packing facility operators, at 65 registered durian growers ang nakarehistro sa Davao Region.

Sa ilalim ng DA’s Enhanced KADIWA Grant, ang durian growers at farmer cooperatives ay makakatanggap din ng financial assistance at suporta.

May nakatakda ring training session para sa DA-BPI Plant Quarantine officers, inspectors, at iba pang stakeholders patungkol sa durian pests at diseases.

Kabilang din sa tatalakayin sa pagsasanay ang cultural management para mas ma-improve ang technical knowledge, upang masiguro ang kalidad ng sariwang durian para i-export sa Chinese markets.

Facebook Comments