Iniulat ng Department of Health (DOH) na nasa 190,000 ang kakulangan ng Pilipinas pagdating sa mga healthcare worker sa bansa.
Sa Malacañang press briefing, sinabi ni Health Secretary Ted Herbosa, isa sa mga pangunahing dahilan ng kakulangan ay ang pag-migrate at pagiging Overseas Filipino Worker (OFW) ng mga healthcare worker.
Batay rin sa datos na ibinigay ni Migrant Worker Secretary Hans Leo Cacdac, 74% ng mga healthcare worker na umaalis sa bansa ay nurses.
Kaugnay nito, naglatag ng solusyon ang DOH kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para tugunan ang malaking kakulangan sa human resources ng healthcare sector, sa ilalim ng National Human Resources Master Plan 2020-2040.
Kabilang dito ang pagbibigay ng health insurance, pabahay at mga scholarship para sa mga health worker.