Pilipinas, may mahigit 100 medalya na sa nagpapatuloy na 31st Southeast Asian Games

Umabot na sa 108 ang kabuuang medalyang nakuha ng Pilipinas sa nagpapatuloy na 31st Southeast Asian Games (SEA Games) na ginaganap sa Hanoi, Vietnam.

Hanggang kagabi, mayroon na tayong 30 na gold medal, 34 na silver at 44 na bronze at pangatlo ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamaraming medalya.

Samantala, tinapos ng Pinoy gymnast na si Carlos Yulo ang kaniyang kampanya sa SEA Games na may 5 gold medal habang nakakuha rin ng mga medalya ang mga pambato natin sa iba’t ibang sports kabilang na sa dancesport, bowling at swimming.


Wagi rin kahapon ang Gilas Pilipinas kontra sa Thailand sa score na 76-73 sa men’s basketball at tinambakan naman ng women’s team ang Indonesia sa score na 93-77.

Pasok na rin ang legend na si Efren “Bata” Reyes sa semifinals ng 1-cushion carom ng billiards at snookers competition matapos talunin si Suriya Suwanasigh ng Malaysia 65-58.

Ngayong araw naman sasabak ang olympic boxer na si Irish Magno sa pambato ng indonesia na si Novita Sinadia sa women’s flyweight event.

Facebook Comments