Pilipinas, may pinakamahusay na preparasyon laban sa COVID-19 kung ikumpara sa ibang bansa – Galvez

Inihayag ni Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) Secretary Carlito Galvez Jr. na naging maganda ang epekto ng ipinatutupad na Enhanced Community Quarantine sa kabila ng takot sa COVID-19.

Ayon kay Sec. Galvez, mas nag-improve kasi ang mga medical services sa bansa matapos ipatupad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lockdown sa buong Luzon.

Aniya, ang Pilipinas ang nauna sa pagkakaroon ng tinatawag na “travel ban” para mapigilan ang pagkalat ng Coronavirus Disease o COVID-19 na galing sa iba’t ibang mga bansa na may mga matataas na Death Rate.


Sa ngayon ay nakapagsagawa na ng mahigit 2,400 COVID-19 test kung saan, 11 dito ang accredited ng mga medical facility habang may walo pang nag-apply para ma-accredit.

Facebook Comments