Nangunguna ang Pilipinas sa pinakamataas na unemployment rate o dami ng mga walang trabaho sa Asya.
Batay sa Report on Labor Force Survey ng National Economic and Development Authority (NEDA), noong Agosto, nanunga sa 8.1% ang unemployment rate ng Pilipinas.
Pumangalawa ang India na may 7.6% unemployment rate, pangatlo ang Indonesia na 6.3% at pang-apat ang Malaysia na may 4.8%.
Sa Vietnam, 2.6% lamang ang unemployment at 3.9% sa China.
Paliwanag ng NEDA, pagbabakuna ngayon ng mga tao sa labas ng National Capital Region (NCR) ang tinututukan ng pamahalaan para sa muling pagbubukas ng ekonomiya ng bansa.
Facebook Comments