Pilipinas, muling binigyan ng tulong ng ADB na aabot sa apat na bilyong dolyar

Muling nagbigay nang tulong ang Asian Development Bank (ADB) sa Pilipinas na umaabot sa halagang apat na bilyong dolyar na gagamitin para ngayong taon.

Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Cheloy Garafil ang tulong na ito ay suporta ng ADB sa socio-economic agenda ng bansa at iba pang infrastructure development programs ng pamahalaan ngayong taon.

Matatandaang kamakalawa ay nagpulong sina ADB President Masatsugu Asakawa at Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at pinag-usapan ang mga mahahalagang usapin para matulungan ng ADB ang Pilipinas sa pag-unlad.


Ilan sa mga natalakay ang paghahanda sa ilang transformative projects katulad ng Bataan-Cavite Interlink Bridge Project, ang Davao Public Transport Modernization Project, at ang Integrated Floor Resilience and Adaptation Project.

Noong panahon ng COVID-19 lockdown, nakatuwang na nang pamahalaan ang ADB sa pamamahagi ng food packages sa 260,000 pamilya sa Metro Manila.

Facebook Comments