Pagbisita ng DZXL 558 Radyo Trabaho para sa “558 Katok Bahay, Radyo Regalo” promo sa apat na barangay sa Pasay City, naging matagumpay!

Lubos ang ngiti at saya ng apat na maswerteng residente sa apat na barangay sa Pasay City matapos makatanggap ng mga regalo mula sa “558 Katok Bahay, Radyo Regalo” promo ng DZXL 558 Radyo Trabaho.

Bumisita at kumatok ang buong pwersa ng Laughter is the Best Magazine Show o LBMS hosts sa mga tahanan sa barangay 157, 158, 165 at 169 na may dalang sorpresa kung saan namigay kami ng radyo at iba pang exclusive at limited Radyo Trabaho items tulad ng mug, wall clock, ballpen, calendar, t-shirt at iba pa.

Ayon kay Ms. Rea Cajuntoy ng barangay 157 na naispatan pa namin na nanunuod ng Straight to the Point o STP sa YouTube live natin, malaki ang pasasalamat niya sa mga regalong natanggap niya.


Habang, sinabi naman ni Kapitan Larry de Castro ng barangay 165 na masaya siya dahil walang sawa ang DZXL 558 Radyo Trabaho sa pagbisita sa kaniyang barangay at pagbibigay ng trabaho sa mga residente niya.

Nanalo ng mga regalo ang mga maswerteng residente matapos makasagot ng tama sa tanong na “Ano ang slogan ng DZXL 558 Radyo Trabaho?”

Layon ng “558 Katok Bahay, Radyo Regalo” promo ng DZXL 558 Radyo Trabaho, ang inyong “Gabay sa Hanapbuhay” na makapagbigay ng walong radyo para sa walong bahay sa walong barangay sa Pasay City.

Facebook Comments