Muling kinilala ang Pilipinas bilang isang “Emerging Muslim-friendly non-Organization of Islamic Cooperation (OIC) Destination” sa Mastercard-Crescent Rating Global Muslim Travel Index (GMTI) sa ikalawang magkasunod na taon, ayon sa Department of Tourism (DOT).
Ikinatuwa naman ng DOT ang parangal, at itinampok ang mga hakbangin upang mas mapaghusay ang turismo ng Halal tulad ng pag-promote ng mga Halal na pagkain at pag-incorporate ng mga Muslim-friendly amenities.
Binigyang-diin ni Tourism Secretary Christina G. Frasco ang kahalagahan ng Halal Tourism sa pagpapatibay ng competitiveness at inclusivity ng bansa.
Aniya, ang pagkilalang ito ay bahagi ng mas pinalawak na pagsisikap sa ilalim ng National Tourism Development Plan at kaugnay ng isang kasunduan ng pakikipagtulungan sa turismo na nilagdaan sa pagbisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Brunei Darussalam.