Pilipinas, muling nanawagan sa North Korea na itigil na ang pagpapakawala ng missile

Manila, Philippines – Muling nanawagan ang Pilipinas sa Democratic People’s Republic of Korea (DPRK) na itigil na ang provocations o pagpapagalit at bumalik sa negotiating table kasunod ng panibagong ballistic missile test ng Pyongyang sa Japan airspace.

Ang pahayag ay ginawa ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano sa ginaganap na 72nd Session ng United Nations General Assembly sa New York.

Ayon sa kalihim, dapat nang itigil ng North Korea ang pagpapagalit at mapanganib na aksyon na nagbabanta sa kapayapaan, katatagan at seguridad sa rehiyon.


Ang paglulunsad ng missile ay hindi lamang nagpapahina sa mga pagsisikap para sa mapayapang resolusyon ng mga isyu sa Korean Peninsula kundi nagpapalala pa ito ng tensyon

Muling hinimok ng kalihim ang North Korea na sumunod sa mga may-kaugnayang resolusyon ng Security Council ng United Nations, tulad ng ginagawang pagsunod ng pilipinas.

Ikukonsulta din ng kalihim sa ibang ASEAN Foreign Ministers sa New York, kung ano ang magagawa ng ASEAN upang mapahupa ang tension sa Korean Peninsula.

Nababahala ang kalihim sa kaligtasan ng 242,000 Filipinos sa Japan na maaaring maapektuhan kung sakaling lumala ang sitwasyon sa Korean Peninsula.

Facebook Comments