Pilipinas, muling umutang ng mahigit ₱20 billion sa Asian Development Bank

Inaprubahan na ng Asian Development Bank o ADB ang panibagong utang ng Pilipinas na nagkakahalaga ng $400 million o katumbas ng ₱20.9 billion.

Ayon sa ADB, layon ng naturang bagong utang ng bansa na makatulong sa domestic capital markets at masuplayan ang long-term finance upang mapondohan ang infrastructure projects.

Tinataya kasi na nasa ₱2 trillion ang kakulangan o financing gap hanggang sa taong 2030.


Paliwanag pa ng ADB, makakapagbigay rin ito ng suporta at tulong na makabangon ang mga industriya na matinding tinamaan ng COVID-19 pandemic.

Kabilang dito ang mga Micro, Small and Medium-sized Enterprises o MSMEs na itinuturing na “backbone” ng ekonomiya ng Pilipinas.

Naniniwala rin ang ADB na ang bagong utang ay makakatulong din na mailatag ang tamang “environment” para makaengganyo pa ang long-term investors.

Facebook Comments