Pilipinas, nag-e-expect na na uungkatin ni US Secretary of State Rex Tillerson ang isyu sa paglabag sa karapatang pantao

Manila, Philippines – Inaasahan na ng Pilipinas na hindi palulusutin ni US Secretary of State Rex Tillerson ang isyu sa human rights violations sa pagdalo nito sa ASEAN Ministerial Meeting.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, nakahanda na ang Pilipinas sakaling ungkatin ng US senior official ang nasabing usapin.

Bukod sa Estados Unidos, posible rin anilang may iba pang mga bansa ang magbukas sa nasabing usapin.


Aminado naman ang DFA na walang bansa ang may perpektong human rights situation bagamat handa anila ang Pilipinas na dumepensa sa mga exaggerated na media reports hinggil sa mga paglabag sa karapatang pantao.

Inaasahan din ng DFA na magtatanong si Secretary Tillerson ng hinggil sa sitwasyon sa bakbakan sa Marawi City.

Facebook Comments