Naitala ng Pilipinas ang pinakamaraming dumating na suplay ng bakuna ngayong linggo.
Ayon kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., umabot sa 9,596,270 na dose ng bakuna ang natanggap ng bansa.
Kabilang dito ang 5 million na doses ng Sinovac; 2.7 million doses ng Pfizer BioNTech; Moderna na 961,000; AstraZeneca na 661,200 at Sputnik V na nasa 190,000 doses.
Samantala, sinisimulan na rin ng Pilipinas ang paghahanda sa paggawa ng sariling COVID-19 vaccines.
Ayon kay Food and Drug Administration Director Eric Domingo, plano nila sa susunod na taon na maisagawa ang ‘fill and finish’ system kung saan ang ‘bulk products’ ay dadalhin sa bansa at dito gagawin ang repackage sa malilit na vials.
Kasama sa mga vaccine makers na kinakausap ng gobyerno ay mula sa mga bansang Cuba, China, Russia at ilang European countries.