Pilipinas, naghain na ng diplomatic protest laban sa bagong 10 dash line standard map ng China sa South China Sea

Naghain na ng diplomatic protest ang pamahalaan laban sa inilabas na bagong bersyon ng China para sa kanilang 10 dash line standard map sa South China Sea.

Kinumpirma ito ni Department of Foreign Affairs (DFA) Office of Asean Affairs Assistant Secretary Daniel Espiritu sa press briefing sa Malakanyang.

Ayon kay Espiritu, nanindigan ang pamahalaan na hindi pabor dito ang bansa at ito ay niri-reject ng Pilipinas.


Sinabi pa ni Espiritu, patuloy na itinataguyod ng Pilipinas ang mapayapang resolusyon sa ganitong isyu.

Una nang inihayag ng DFA, na ang panibagong pagtatangkang ito ng China na gawing lehitimo ang kanilang soberenya sa Philippine features at maritime zones ay walang batayan sa ilalim ng International Law, lalo na sa 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea o UNCLOS.

Kaya panawagan ng DFA sa China na maging responsable at sumunod sa kanilang mga obligasyon sa ilalim ng UNCLOS at sa 2016 Arbitral Award.

Facebook Comments