Kinumpirma ng Palasyo ng Malacañang na naakapaghain na ang Pilipinas ng diplomatic protest laban sa China dahil sa pananatili ng mga Chinese vessels sa disputed areas sa South China Sea o West Philippine Sea particular sa pagasa island.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, naghain na ang Department of Foreign Affairs ng Diplomatic Protest na malinaw na pagpapakita ng Pilipinas ng hindi pag-sangayon sa pananatili ng mga Chinese vessels sa nasabing lugar.
Sinabi din ni Panelo na sa kanyang pulong kay Chinese Ambassador to the Philippines Ambassador Zhao Jianhua ay aalamin niya kung totoo na mayroong mahigit 200 Chinese vessels o barko sa lugar at kung ano ang ginagawa ng mga ito.
Isa din aniya sa aalamin ni Panelo sa kanilang pulong ay ang insidente ng pagtataboy o panghaharass umano ng mga chino sa mga pilipinong mangingisda sa lugar.