Iginiit ni Vice President Leni Robredo na nagkakaroon ng dibisyon ang bansa dahil nagtatalo ang bawat Pilipino.
Sa isang panayam, sinabi ni Robredo na ang mga trolls ang naghahati sa bayan, dahilan kaya hindi nagkakaisa ang bansa.
Idinagdag pa ng Bise Presidente na nagkakawatak ang bansa dahil sa alitan sa pagitan ng mga “dilawan” o mga kontra sa pamahalaan at mga Diehard Duterte Supporters (DDS).
“Hindi mawawala iyong alitan, pero hindi sa level na masyadong polarized. Dapat sana hindi ganoon. Dapat iyong pinag-aawayan iyong issues,” ani Robredo.
Tinawanan lamang ni Robredo ang mga alegasyong mayroon siyang ‘troll army.’
Napansin lamang niya na nagsisimula nang gumanti ang kanyang mga tagasuporta laban sa mga nagpapakalat ng fake news at umaatake sa kanya sa social media.
Pero iginiit ni Robredo na hindi tama para sa mga Pilipino na mag-away-away.