Pilipinas, nagpa-abot ng pakikiramay sa pagpanaw ng Amir ng Kuwait

256

Nagpa-abot ang pamahalaan ng Pilipinas ng pakikiramay sa pagpanaw ni Kuwaiti Amir, His Highness Sheikh Sabah Al-Ahmad Al-Jaber Al-Sabah.

Sa statement na inilabas ng Department of Foreign Affairs (DFA), inihayag nito ang malaking kontribusyon ng Kuwait sa pananatili ng magandang relasyon ng Pilipinas sa Kuwait.

Ito ay lalo na’t daan-daang libong mga Pilipino ang nagta-trabaho sa nasabing bansa.

Si Sheikh Sabah ay naging Foreign Minister ng Kuwait bago naging Prime Minister hanggang sa naging Amir noong 2006.

Facebook Comments