Pilipinas, nagpahayag ng pagkabahala sa panibagong ballistic missile launching ng Democratic People’s Republic of Korea

Nagpahayag ang Pilipinas ng pagkabahala sa panibagong ballistic missile launching ng Democratic People’s Republic of Korea.

Sa statement ng Department of Foreign Affairs, inihayag nito na ang naturang provocative na mga hakbang ay nakahadlang sa paglago ng ekonomiya, gayundin ng katatagan ng Korean Peninsula at Indo-Pacific region.

Kaugnay nito, muling nanawagan ang Pilipinas sa Democratic People’s Republic of Korea na iwasan ang naturang mga hakbang at tumalima na lamang sa international obligations, kabilang na ang UN Security Council Resolutions.


Hinimok din ng Pilipinas ang nasabing bansa na pumasok na lamang sa mapayapang dayalogo.

Facebook Comments