Naglabas ang Department of Agriculture (DA) ng temporary ban sa pag-aangkat ng poultry products mula Australia, kasunod ng outbreak ng bird flu.
Batay sa ulat na isinumite sa World Organization for Animal Health, nagkaroon ng outbreak ng H7N7 Highly Pathogenic Avian Influenza (HPAI) virus sa Lethbridge, Victoria Australia.
Sa ilalim ng kautusan, hindi muna tatangap ang bansa ng domestic at wild birds, kabilang ang poultry meat, day old chicks o sisiw at itlog na magmumula sa Australia.
Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, agad na sinususpinde ang processing, evaluation ng mga application at issuance ng sanitary at phytosanitary (SPS) import clearance sa mga nasabing produkto.
Magkakaroon din ng pagpigil at pagkumpiska ng lahat ng shipments ng mga nasabing commodities na gagawin ng lahat ng DA veterinary quarantine officers sa lahat ng major ports sa bansa.