Pilipinas, nakakapag-produce na ng 55 milyong face mask kada buwan

Umabot na sa 55 milyong face mask kada isang buwan ang pino-produce ng Pilipinas.

Dahil dito sinabi ni Department of Trade and Industry (DTI) Sec. Ramon Lopez na ‘stabilized’ na ang supply at presyo ng face mask matapos madagdagan ang produksyon ng mga lokal na kompanya.

Malayo rin ito sa napo-produce na face mask noon na umabot lang sa isang milyon kada buwan.


Bumaba rin ang bentahan ng face mask sa 10 pesos, na una nang pumalo sa 28 pesos kada isa dahil sa shortage.

Facebook Comments