Bumaba ng 2.9% ang kabuuang puntos ng Pilipinas sa pagsunod sa batas batay sa tala ng global think tank na World Justice Project.
Ito ay matapos bumagsak sa tatlong pwesto sa ika-102 mula sa 139 bansa sa buong mundo ang Pilipinas.
Ayon sa World Justice Project, nakakuha ang bansa ng overall score na 0.46 para sa pagsunod sa rule of law na malayo sa pinakamataas na score na 1.
Sa 15 bansa sa East Asia and Pacific Region, ika-13 ang Pilipinas sa datos.
Ibinase ang tala sa national surveys ng 138,000 households at 4,200 legal practitioners at experts kung paano sumusunod sa batas ang mga bansa sa buong mundo.
Narito naman ang ranking ng Pilipinas sa iba pang usapin;
Absence of corruption – 77/139
Open government – 71/139
Fundamental rights – 123/139
Order and security – 110/139
Regulatory enforcement – 82/139
Civil justice – 101/139
Criminal justice – 120/139
Ang mga bansang nanguna sa ranking ng World Justice Project ay ang Denmark, Norway, at Finland.