
Naselyuhan ng Pilipinas ang $25-million na pandemic fund mula sa World Bank.
Ito’y kasunod ng pagdalo ni Health Secretary Ted Herbosa sa World Health Assembly sa Geneva, Switzerland kung saan nilagdaan din ang ilang pandemic agreement.
Sa Malacañang press briefing, sinabi ni Herbosa na ang nakuhang pondo ng Pilipinas ay layong palakasin ang kahandaan ng bansa laban sa pandemya.
Napagkasunduan din sa assembly ang pagkakapantay-pantay ng mga bansa pagdating sa access sa bakuna, gamot, at test kits sa panahon ng pandemya.
Sa ilalim din ng Pandemic Agreement, ay masisigurong kasama na ang Pilipinas sa mga makatatanggap ng maagang babala at mabilis na palitan ng impormasyon at teknolohiyang pangkalusugan lalo na kapag may banta ng malalang sakit.
Facebook Comments









