
Nagbigay ng direktiba si Philippine National Police (PNP) Chief PGen Nicolas Torre III ng agarang pag-upgrade sa mga radio communication systems sa lahat ng istasyon ng pulisya sa buong bansa.
Binigyang-diin ni Torre ang kahalagahan ng mabilis at epektibong koordinasyon sa oras ng sakuna o emergency.
Kaugnay nito, inatasan niya ang lahat ng unit na magsagawa ng imbentaryo at pagsusuri sa kondisyon ng mga radyo at iba pang kagamitan.
Layunin nito na masunod ang bagong polisiya ng PNP na 5-minute maximum response time sa lahat ng emergency at distress calls.
Bukod dito, inutusan din ni Torre ang mga field commanders na gamitin nang husto ang lahat ng patrol vehicles upang mapalakas ang presensya ng pulisya sa mga komunidad.
Tugon ito ng PNP chief sa panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tiyaking mararamdaman ang presensya ng pulis sa bawat komunidad bilang panlaban sa krimen.