Nakapagpadala na ang Pilipinas ng note verbale sa China kaugnay ng umano’y komprontasyon sa pagitan ng Philippine Navy at Chinese Coast Guard malapit sa Pag-asa Island.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, ipinadala nila ito sa China kahapon kasunod na rin ng utos ni Pangulong Bongbong Marcos.
Dedepende naman sa magiging tugon ng China ang magiging sunod na hakbang ng DFA.
Matatandaang Linggo nang mamataan ng Naval Station Emilio Liwanag ang isang “unidentified floating object” sa Pag-asa Island.
Ayon sa Philippine Navy, habang hinihila ay puwersahan itong kinuha ng Chinese Coast Guard, bagay na itinanggi naman ng Chinese Embassy.
Facebook Comments