Isa sa nagpapadala ng death threat sa Pamilya Mabasa, tukoy na ng PNP

Natigil na ang mga pagbabanta sa pamilya ng pinaslang na broadcaster na si Percy Lapid.

Sa interview ng RMN Manila, kinumpirma ni Roy Mabasa na natukoy na ng Philippine National Police (PNP) ang pagkakakilanlan ng isa sa mga nagbabanta sa kanilang pamilya.

Sa kabila nito, hindi aniya sila mapapanatag hangga’t hindi pa rin lumulutang ang mga itinuturong mastermind sa pagpatay sa kanyang kapatid na sina suspended Bureau of Corrections General Gerald Bantag at Deputy Security Officer Ricardo Zulueta.


Umaasa naman si Mabasa na sa mga susunod na araw ay may lulutang nang abogado ni Zulueta para magsumite ng counter affidavit.

Kasunod na rin ito ng impormasyong nakarating sa kanila na may sinusundan nang lead ang PNP sa kinaroroonan ni Zulueta.

Facebook Comments