Pilipinas, nakapagtala ng halos 500,000 kaso ng TB noong 2022

Kasabay ng nalalapit na paggunita ng “World TB Day” sa March 24, nakapagtala ng 470,000 kaso ng tuberculosis ang Pilipinas para sa taong 2022.

Mas mababa ito kumpara sa naitala ng World Health Organization na 741,000 TB cases noong 2021 na may 60,000 deaths.

Pero ayon kay Dr. Ronald Allan Fabella, TB Advisor ng Department of Health’s Disease Prevention and Control Bureau, posibleng mas mataas pa ang bilang ng may mga TB sa bansa dahil may ilan ang hindi nagpapa-check-up bunsod ng pandemya.


Aniya, dahil sa COVID-19, naapektuhan ang TB detection at treatment program ng pamahalaan.

Batay sa WHO, tinatayang merong 700,000 Pinoy ang tinatamaan ng TB kada taon.

Ang TB ay nakukuha dahil sa bacteria na mycobacterium tuberculosis at kadalasang tinatamaan nito ang ating lungs.

Facebook Comments