SM Corporation, kinansela ang power supply deal sa MERALCO para sa taong 2024 at 2025 – ERC

Tinapos na ng San Miguel Corporation (SMC) sa ilalim ng SMC Global Power Holdings Inc. ang kanilang power supply deals sa Manila Electric Company para sa taong 2024 at 2025.

Ito ang kinumpirma ng Energy Regulatory Commission matapos silang abisuhan ng MERALCO na kinansela na ng dalawang unit ng SMC Global Power Holdings na Excellent Energy at Masinloc Power ang kontrata nila na nakuha noong 2021.

Ayon kay ERC Chairperson Monalisa Dimalanta, nakatanggap ang MERALCO ng Notices of Termination sa kanilang Power Supply Agreements na nasa 1,200 megawatt at 600 megawatt para sa dalawang magkasunod na taon.


Bunsod nito, pinag-aaralan na ng ERC ang iba pang posibleng maging opsyon kabilang na rito ang hilingin sa Department of Energy na magsagawa ng panibagong round ng competitive selection process upang mapunuan ang nawalang 1,800-MW requirement ng MERALCO.

Facebook Comments