Pilipinas, nakapagtala ng higit 1,000 kaso ng HIV para sa buwan ng Setyembre – DOH

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 1,347 na bagong kaso ng HIV sa bansa para sa buwan ng Setyembre 2022.

Mas mataas ito ng 37% kumpara sa naitalang 981 na kaso ng HIV sa kaparehong panahon noong 2021.

Batay sa HIV/AIDS and ART Registry of the Philippines, 96% ng kabuuang kaso ay mga lalaki at 4% naman ang babae kung saan ang pito rito ay buntis pa.


Karamihan din sa mga naitalang bagong kaso ng HIV ay nasa edad 2 hanggang 71.

Samantala, sexual contact pa rin ang pangunahing mode of transmission ng HIV habang ang lima sa kabuuang kaso ay dahil infected na karayom at dalawa naman ang mother-to-child transmission.

Facebook Comments