Pilipinas, nakapagtala ng mas mabilis na internet sa pagtatapos ng 2022

Bumilis pa ang fixed broadband at mobile download speeds sa Pilipinas noong Disyembre, batay sa Ookla Speedtest Global Index.

Umakyat ang fixed broadband median speed sa 87.13Mbps mula sa 81.42Mbps na naitala noong sinundan nitong buwan.  Ang latest download speed ay katumbas ng 7.01% month-to-month improvement para sa fixed broadband.

Ang naturang speed ay kumakatawan din sa improvement na 26.39% mula nang mag umpisa ang Marcos administration noong July 2022.


Tumaas din ang mobile median speed nang maitala ang download speed na 25.12Mbps mula sa 24.04Mbps kumpara noong Nobyembre. Ang latest download speed ay katumbas ng 4.49% month-to-month improvement para sa mobile.  Kumakatawan din ang naturang speed sa improvement na 17.33% mula nang mag umpisa ang administrasyong Marcos.

Sinabi ni National Telecommunications Commission Officer-in-Charge Commissioner Ella Blanca Lopez na, “the continued improvement in internet speed is a welcome development as President Ferdinand E. Marcos, Jr. encourages the country to embrace digitalization if it wants to survive and thrive in a post-pandemic economy.”

Ang pagpapabilis sa pag-iisyu ng LGU permits noong July 2020 ay nagresulta ng malaking increase sa permits na ipinagkaloob sa telcos simula July 2020 hanggang November 2022.

Iniuugnay dito ang pagbilis ng internet, kasabay ng pagpapabilis din ng telcos sa pagtatayo ng imprastraktura, gaya ng cellular towers at fiber optic network, na kailangan para mapagbuti ang kanilang serbisyo at connectivity.

Facebook Comments