Pilipinas, nakatakdang lumagda sa isang kasunduan sa pagitan ng AstraZeneca ng United Kingdom

Sa Biyernes lalagda ng isang kasunduan ang Pilipinas at ang United Kingdom.

Ayon kay National Action Plan Chief Implementer at Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez, ang nasabing tripartite agreement sa pagitan ng Pilipinas at ng AstraZeneca ng United Kingdom ang maggagarantiya na makakabili tayo ng 2 milyong doses ng bakuna mula sa nasabing pharmaceutical company kasama ang private sector.

Paliwanag ni Galvez mahalaga ang partnership ng gobyerno at ng pribadong sektor upang mas maging epektibo ang paglaban ng bansa sa COVID-19.


Una nang sinabi ng International Container Terminal Services, Inc., na popondohan nila ang pagbili sa COVID-19 vaccines kung saan kalahati sa mga ito ay kanilang itu-turn-over sa Department of Health (DOH).

Nabatid na para maging epektibo ang bakuna ng AstraZeneca ay kinakailangan ng 2 doses ng kada isang indibidwal.

Target ng pamahalaan na maturukan ng bakuna ang nasa 60 milyong Filipino upang makamit ang tinatawag na herd immunity.

Facebook Comments