Manila, Philippines – Maging ang Pilipinas ay nagpahayag na din ng pagkondena sa North Korea kaugnay sa paglulunsad nito ng missile noong Marso 6.
Sa inilabas na pahayag ng Dept. of Foreign Affairs – binigyan diin ng Pilipinas ang pagkondena at panawagan na itigil ng pyongyang ang patuloy na paglulunsad ng ballistic missiles.
Giit ng pamahalaan – marapat lamang na hindi gumawa ng anumang hakbang ang Democratic People’s Republic of Korea na labag sa UN security council resolutions.
Bukod rito, ang hakbang na ito aniya ng North Korea ay nakakapagpasiklab ng tensyon sa katahimikan sa Korean Peninsula.
RMN News Nationwide: “The Sound of the Nation.”, RMN DZXL Manila
Facebook Comments