PNP Chief. Ronald Dela Rosa – iginiit na sa senado lang sya magsasalita kaugnay sa isyu ng Davao Death Squad

54
Manila, Philippines – No comment si Philippine National Police Chief Dir. Gen. Ronald “Bato” Dela Rosa kaugnay sa usapin ng Davao Death Squad.
 
Ayon kay Dela Rosa – magsasalita lang siya tungkol sa nalalaman niya tungkol sa DDS sa Senado, sakaling ipatawag siya at magsagawa ng imbestigasyon tungkol dito.
 
Aminado naman ang PNP Chief na hindi siya malinis na pulis o tao dahil mayroon na siyang mga napatay.
 
Matatandaang sa pagharap ni dating SPO3 Arthur Lascañas sa Senado, sinabi nito na may alam si Dela Rosa sa operasyon ng DDS, partikular na sa pagpatay nila kay Sali Makdum.
 
Bagaman una na niyang inamin na kilala niya si Lascañas dahil sa pagiging hepe ng Davao City Police, tumanggi na si Dela Rosa na magbigay pa ng anumang komento tungkol sa mga alegasyon ni Lascañas.

RMN News Nationwide: “The Sound of the Nation.”, RMN DZXL Manila

Facebook Comments